player playlist worthless...


Tumatakbo ang oras.. bawat minuto at segundo mahalaga. Ang mga nakalipas na oras ay hindi na maibabalik pa. Lahat ng mga nasayang na minuto ay mananatiling nakaraan na. Ang bawat segundong lumilipas ay wala na. Kaya bakit mo sasayangin ang oras mo sa walang kwentang bagay?

Huwag mo hahayaang maglaho ang oportunidad sa iyong palad. Kung may tao kang mahal ba’t hindi mo subukang sabihin? Kung may tao kang gusto ba’t hindi mo aminin? Kung may importanteng bagay na atupagin ba’t hindi gawin? 

Nasasayang ang oras hindi ito google chrome na kapag pinindot mo ang control + H eh makikita at masisilayan mo pa ang nakalipas na oras. Mahalaga ang oras huwag mo hayaang kainin ka ng bawat minutong nasasayang.

  1. babaengbinebespren reblogged this from rewwrewtheboat
  2. rewwrewtheboat posted this